Giliw Ko

Ang sabi mo noon pag-ibig mo’y hindi magwawakas
Pasumpa sumpa ka pang ito’y hanggang wagas
Ngunit ba’t ngayo’y biglang nagbago ang ihip ng hangin
Sa dating tagpuan natin mayroon ka nang ibang kapiling

Mga pangarap nati’y singbilis ring naglaho
at kasabay nito ang paglimot ng mga pangako
Sinabi mong hindi mo na kailangan ang ‘sang tulad ko
At namaalam ka’t ako’y iniwan mong puso’y nagdurugo

REFRAIN:
Ngunit kahit di ka na muling Makita pa
Asahan mong pag-ibig ko’y sa’yo pa rin sinta

CHORUS:
Giliw ko, ikaw pa rin ang iniibig ko
Kahit na iba na ang tibok ng puso mo
Kalian ma’y hinding hindi na ako iibig pa
Dahil sa ang pag-ibig ko’y sayo lamang aking sinta

Nagawa mo pang sunugin ang lahat ng mga sulat ko
Oh anong sakit naman, ang puso ko’y binabayo
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top