Homebhoyz

Dun sa amin, sa Ayala
Merong grupong magkakabarkada
Araw-araw, sa eskwela
Pag may gitara lang ay kakanta na

REFRAIN:
Walang makakapigil sa tropa
Pagkat ang trip namin ay magsaya
Kung ayaw mo ay umalis ka na
Baka sa amin ikaw ay madisgrasya

CHORUS:
Homebhoyz, ito ang aming tropa
Homebhoyz, ito ang aming banda!

(repeat Chorus)

Isang araw, nagja-jamming
Sa harap ng Office ng Principal namin
Sobrang ingay, ng barkada
Kaya pinagalitan ang tropa

Umalis kami at nagpaalam na
Sa principal naming sobrang strikta
Ngunit kinabukasan absent s’ya
Tuloy ang ingay kami ang mga siga

(repeat Chorus twice)

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top