Miss na Kita

Naaalala ka tuwing umuulan
at sa bawat pagpatak nito’y ikaw
Ang laging nasa isip tuwing umuulan
at pinapangarap na sana’y matanaw.

Naaalala ka kahit sa tag-araw
ikaw lamang ang tangi kong hiling
Naaalala ko ang kislap ng iyong mata
na nagsasabing ako’y mahal mo rin.

CHORUS:
Miss na kita
Nasaan ka na aking sinta
hindi ko kayang mawalay ka
nasaan ka na kailangan kita.

Naaalala ka sa araw at gabi
hinahanap-hanap ko ang iyong ngiti
maging sa panaginip ay nar’yan kang lagi
at kayakap ka sa bawat sandali.

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top