Miss Tindera

Miss na maganda
Pwede ba’ng sayo’y magtanong
Magkano ba iyang ibinibenta mong talong

Bibilhin ko lang sana
Heto ang aking pera
Pakibalot na lang at ako’y lalarga na

At nang iabot mo ito
Biglang nahawakan ko ang iyong kamay
Oh no, parang wala na ako’ng malay

CHORUS 1:
Miss, alam mo bang noon pa’y crush na kita
Please, pagbigyan mo naman ako sinta
Ikaw ang tangi kong ligaya
Sa araw araw nais kang Makita
Nai-inlove na nga ako sa isang tindera

At kinabukasan nga
Pumasyal uli ako
Doon sa tindahan ng mahal ko

At kinausap ko sya
Inihayag ang nadama
Ang sabi nya sa akin, ako’y huli na

Biglang nagunaw ang aking mundo
Parang sasabog ang puso ko
Ng sinabi nyang “May syota na ako..”

(repeat chorus 1)

CHORUS 2:
Miss, palitan mo na kaya ang syota mo
Please, pangit na nga isa pa syang kalbo
Sa piling ko ika’y liligaya
Mamahalin kita sa twina
At sa araw-araw bibilhin ko ang iyong tinda

Miss, alam mo bang noon pa’y crush na kita
Please, pagbigyan mo naman ako sinta
Ikaw ang tangi kong ligaya
Ang nais kong maging asawa
Naiinlove na nga ako sa isang tindera.

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top