Panaginip

Isang gabi, ako’y nanaginip
Tungkol sa’yo aking sinta
Tayo raw ay namamasyal sa paraiso
Ligaya ay damang dama

At doon, ay nagtapat ako
Ng pagsuyong walang hanggan
At sinagot mo ng matamis mong oo
Tanging saksi’y kalikasan

Ngunit sa pagdampi ng araw sa aking mukha
Biglang lumisan ka’t ako’y iniwan mong nag-iisa

Kaya mula noon isinumpa ko na
Sana’y hindi na ako muling gigising pa
Upang ika’y laging mapanaginipan
At makapiling, aking hirang

Isang araw, habang naglalakad
Tungo sa aking paaralan
Merong nakasabay, isang Atenean
Anghel s’ya ng kagandahan

Biglang nakadama ng kasiyahan ang puso ko
Ng malaman kong ang babae sa panaginip ko ay totoo.

Kaya mula ngayon ang lagi kong dasal
Sana’y lahat ng umaga’y magtatagal
Upang ika’y aking laging masilayan
At nang ang pag-ibig ko’y
Maiparamdam..

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top