Pangako ‘yan Kaibigan

May luha sa iyong mata
Kaibigan may problema ba
Wag kang malulumbay at ‘wag
Kang mawalan ng pag-asa
Pagkat ang buhay sa mundo
Nati’y sadyang mapaglaro.

Hindi ka na mag-iisa
Ako’y lagi mong kasama
Sabay nating haharapin
Ang mga problemang dumarating
Hinding hindi ako bibitaw
Mapagabi man o araw.

CHORUS:

Hawakan mo’ng aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
Ako ‘y laging naririto
Ay kung kinakailangan ay
Itataya’ng aking buhay
Handa ako para sa’yo
Hinding hindi ka iiwan
Pangako yan kaibigan.

Kung minsan ay nawawalan
Tayo ng masasandalan
Tayo’y biglang nadadapa
At di na makaahon pa
Ngunit pakaasahan mong
Ako ‘y laging naririto

Handa kitang ipaglaban
Kahit saan kanino man
At sa pagtulog mo ako
Ang s’yang magbabantay sayo
Karamay mo kahit saan
Kaibigan mo kailanpaman.

(REPEAT CHORUS)

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top