Tunay

Hindi mo ba nakikita sa kislap ng aking mga mata
Hindi mo ba napapasin na ako sa iyo’y may pagtingin
Ang araw ko’y nabubuo makita ka lang Oh giliw ko,
Ikaw lang ang minamahal ng puso kong ito.

Kailangan bang sabihin pa, itong aking nadarama
Kailangan bang malaman pang tunay ang pag-ibig ko sinta
Lahat ay kakayanin ko makamit lamang ang puso mo
Minsan lang akong umibig at iyan ay dahil sa iyo.

REFRAIN:
Sumpa ko man giliw ika’y nag-iisa,
sa iyo lamang at ‘di na magbabago pa…

CHORUS:
Tunay ang pag-ibig ko sa iyo
asahan mong ‘di ka mabibigo
lahat ay gagawin para sa iyo
ihahandog pati ang puso ko
at kung sakaling ‘di mo pa alam
ang pag-ibig na sa iyo’y inilalaan
hayaan mong ang awit na ito,
ang siyang magiging susi sa pinto ng puso mo.

Sa tuwing ika’y nakikita, ligaya’y hanggang langit na
Hinihiling na sana ay madama rin ang iyong pagsinta
Kahit sa panaginip ko’y pinapangarap ang pag-ibig mo
Tunay ngang ikaw lang ang laman ng puso kong ito.
*
**2x

Posted on November 12, 2017 in Music

Share the Story

About the Author

Back to Top